byahe
Monday, February 01, 2010
gumising ako. 5:30 ng umaga. natulog ulit ako at gumising ng 5:45. antok pa ko. pero wala akong magagawa kelangan ko ng pumasok. ako ay bumangon at kung anu2 pa( alam ko namang wla kang pakeelam sa kung anung gagawin ko kaya wag na natin pang idetalye pa yun) at yun na nga. ako ay ngalalakad na at sumakay sa jeep. nakasabay ko si Russela pero hindi yun ang kukwento ko.

eto yun.
sa araw-araw ng aking pagbabyahe papuntang eskwelahan, iba't-ibang uri ng tao ang aking nakaksakay na ngapapatunay lamang na hindi lang sa akin umiikot ang mundo.
iba't-ibang tao. iba't-ibang uri ng kwento.
may nakasabay ako, mag shota sila, masayang nagahahrutan sa jeep. makikita mo sa kanila na sila nga ay nagmamahalan, pero kung panu nila natgapuan ang isa't-isa, hindi natin alam. buhay nila yun at wala tayong pakeelam dun lalo na kung hindi naman tayo apektado.
habang kami ay naglalakbay papunta sa aming patutunguhan, biglang na trapik! ewan ko kung bakit pero nakakabadtrip! may mga pasaherong bumaba na lang at naglakad. matagal tagal din kaming naghintay bago tuluyang humarurot ang sinasakyan naming jeep. at mga mga nagsibabaan? ayun, nalagpasan na namen sila.
implikasyon: huwag tayo mainip. matutong magtiis. maraming biyaya sa mundong ito na pinalalampas natin dahil ang mga tao ay sadyang mainipin. nasanay tayo ng laging instant, pero hindi ganun kaibigan. matuto kang maghintay. pero sa sitwasyon na to kung talagang nagmamadali ka na, edi tumakbo ka na. pero kung kaya mo pang maghintay, hintay ka lang. lalo na kung wala ka namang hinahabol.

at ayun na nga.. napansin ko sa aking byahe, ang dami kong nadaanang banko! sinabi ko sa sarili na ko kapag ako nakapagtapos, ang mga bankong yun ang lalapit sa akin. bwahaha
ambisyosa ako sa totoo lang

at ayun! may nadaanan kaming lubak at ako ay tumalbog talbog! tanda lamang na sa buhay naten hindi laging smooth yung tipong paeasy easy ka lang. minsan talagang darating sa buhay mo ang mga problema. NORMAL YAN! hindi lang ikaw nakakaranas niyan! maayos din yan!
at sa paglilinay linay kong ito. di ko namalayang malapit na pala ko.! salamat na lang at di ako lumagpas!
implikasyon: wag kang managinip! gumising ka sa realidad ng buhay.


