Noon at ngayon
Wednesday, January 27, 2010
Ang nakaraan at ang kasalukuyan..
anu nga bang pagkakaiba??
Meron ba??????? (oo sobra)
ibang-iba na nga ba talaga???? (oo nga ehh)
sa panung paraan nagkaiba( eto cge.. ipapaliwanag ko)
cge simulan mo na.( eto nga ohh)
dali na..(oo eto na)
eto nga yun..
noon - 7:30 pa lang pala ng gabe ehh.. maaga pa.,.. gala muna tayo..
ngayon – shocks! 5:00 na ng hapon! putek.. kelangan ko ng umuwi..
dahilan – wala lang.. para kasing natatakot na ko pag inaabutan na ko ng gabe sa daan.. unlike dati na sige, go lang!! ngayon hindi na.. mas responsable na ko sa mga bagay bagay.. (yesss.. meh ganun???)
noon - haysss… dami ko nmang problema.. ayaw ko na… huhu
ngayon – haysss.. walang problema amp.. ang boring…. Kulang ang buhay..
dahilan – ewan ko.. trip ko lang magkaproblema pag walang problema at gusto kong sumuko pag may problema.. (taeng yan.. labo mo)
noon – yessss! 12:00 uwian… wuhooo! Gala mode ever…o kaya minsan tambay mode ..yipeee
ngayon – ba yan… 1:30 uwian.. wala namang magawa sa bahay.. kabagot..sana pla yung kinuha ko lang na sked eh yung 4:30 yung uwian..
dahilan – wala kasi akong kasamang gumala.. nakakalungkot..
noon – prend:tara alis tayo!
Ako: cge.. go go go! San tayo punta????
Ngayon – prend: tara alis tayo
Ako: hmm.. titignan ko pa.. di ko alam kung pwede ako ehh..
Dahilan – ang dami aksing ginagawa.. parang unti na lang yung panahon ko para maglagalag..
Noon – pagpasok ko ng college ang goal ko eh ang maghanap ng pogi..
Ngayon – nakaasar.. daming gwapo na paepal sa mundo!
Dahilan - ang dami ko ngang nakitang pogi kaso kung hindi bakla may gerlpren na nuknukan ng ________ hayss.. ayoko ng manlait.. (sama mo talaga)
Noon – wee.. papalate ako.. katamad pumasok ng maaga ehh..
ngayon – 6:45 na… wiheee!

Dahilan – nakakatakot kasi ako malate ngayon ehh.. wala lng.. natatakot lang ako.. ayoko lng na nalelate ako..
Noon – wooot.. unli 7 days a week ….
Ngayon – unli once a month..
Dahilan – nakakatamad na kasing magtext nuhh..
Noon –konting anu lang, iiyak na ko..

Ngayon – sus! ako pa.. kaya ko yan.. bakit ako iiyak???? Naman!!
Dahilan – mas matatag na ko ngayon.. kaya ko ng harapin ang bawat pagsubok.. (mabuti nman.. im proud of you)

noon – sus.. di na ko magrereview..
ngayon – shete kelangan kong magreview ng bonggang bongga!

Dahilan – kelangan ehh.. dapt ng mas seryoso sa buhay.. (naks.... gumaganun)
Noon- sa pag-ibig at sa kaibigan lang ata umiikot ang mundo ko..
Ngayon - sa pamilya at pg-aaral umiikot ang mundo… (na tama lang nman)
Dahilan – tinatamad kasi ako umiibig ngayon.. (kaya sa mga nagpaparamdam jan.. bala kayo! Prends lang muna tayo *pak*!) dapat ko lang talaga muna pag tuusan ng pansin ang aking pag-aaral..seryosohan na tohhh!!! At sa kaibigan, tama na yung nabigay kong panahon.. sa pamilya ko nman dapat.. dapat ginagawa ko ang best ko para sa pamilya ko.. dahil sila lang talaga ang mga taong hindi ako iiwan anu man ang mangyari

At ayan na nga…. Mejo madami pa dapat yan.. kaso tinatamad na ko..
So ayan na lang.. ayunnn..
haha...
