<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5410002076949949709?origin\x3dhttp://genxtine.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=3054107564476057249&blogName=url.blogspot.com&publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&navbarType=BLACK&layoutType=CLASSIC&homepageUrl=http%3A%2F%2Furl.blogspot.com%2F&searchRoot=http%3A%2F%2Furl.blogspot.com%2Fsearch" height="30px" width="100%" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" id="navbar-iframe" frameborder="0"></iframe> <div id="space-for-ie"></div>
genxtine.blogspot.com
WELCOME


:D

Best view in IE Photobucket


Lepap!
Friday, January 08, 2010

Sinusulatan, nilulukot, tinatapon. Ganyan ang kanyang papel dito sa mundo. Para sa iba’y balewala, walang pakinabang, walang silbi. Isa lamang hamak na papel na dinudumihan, tinatapakan, pinaglalaruan. Walang halaga para sa nakakarami, ngunit ang isang papel na hinahamak lamang ng karamihan ay may malaking pakinabang sa akin. Itinuturing ko itong isang tapat na kaibigan na sa akin ay laging handang dumamay. Sa pagsusulat ko sa isang munting papel, na ilalabas ko ang aking lahat ng SAMA NG LOOB, HINANAKIT, GALIT! na hindi alam ng mga taong nakapaligid sa akin. wala silang alam sa aking nararamdaman. ayokong sa kanila ay ipaalam lalo na kung dito'y wala naman silang kinalaman. Sa papel ko lagi binubuntong ang aking nararamdam. Kahit siya ay akin ng murahin, babuyin at punitin, wala pa rin siyang imik at hinahayaan niya lamang ako sa aking gawain, hindi niya iniinda ang mga ito. Daig pa niya ang isang tao na iyong nakakusap, napagsasabihan ng problema, naiiyakan, nadadamayan. Ang mga kaibigan niya’y andyan para sayo, handa kang damayan. Ngunit sa paiba-iba mong problema, pauulit-ulit lamang ang kanilang sasabihin. “KAYA MO YAN!, MAAYUS DIN YAN!” pangkaraniwan nating maririnig sa ating mga kibigan ngunit napagaan ba nila ang ating kalooban? Hindi! Walang ngyari. Minsan pa’y imbis na pagain ang yung kalooban, ikaw pa ay susumbatan. Sasabihing “ANG TANGA MO! ANG BOBO MO! ANG ENGOTERSZZ MO! ISA KANG HAMAK NA INUTIL!” masasakit na salita na sayo’y nakadagdag pa ng hinagpis. di katulad ng isang papel, malaking tulong na naiilalabas mo sa kanya ang lahat ng yung pagkayamot at pagkalumbay sa buhay. wala kang maririnig, walang panlalait. Hindi man nakakapagsalita at sadyang walang pakiramdam gumagaan naman ang yung kalooban sapagkat nailabas mo ang yung hinanakit na wala kang masasakit na salitang maririnig.

Pagakatapos mong labasan ng sama ng loob at ikaw ay Masaya na, maligaya, at payapa, ang munting papel na iyong naging karamay sa panandaliang kadiliman ng iyong buhay ay iyo ng pupunitin, lulukutin at itatapon na sa basurahan. Ikaw na ay muli ng magbabalik sa iyong mga kaibigan, sa mga tao na may kakagawan ng yung kalungkutan.

Ang papel? Wala na. nakalimutan na. ang papel muli ay wala ng halaga. Kaawa-awa. Ngunit anung ating magagawa? Ito’y nilikha upang ating sulatan, dumihan, pagdrawingan at itapon sa basurahan. Datapwat kahit gannon pa man. Matutunan din sana nating ito’y pahalagahan at gamitin sa kapakipakinabang na paraan.

writtern @3:44 AM