<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d5410002076949949709\x26blogName\x3dgen.xtine:)\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://genxtine.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://genxtine.blogspot.com/\x26vt\x3d6477296092801400322', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=3054107564476057249&blogName=url.blogspot.com&publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&navbarType=BLACK&layoutType=CLASSIC&homepageUrl=http%3A%2F%2Furl.blogspot.com%2F&searchRoot=http%3A%2F%2Furl.blogspot.com%2Fsearch" height="30px" width="100%" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" id="navbar-iframe" frameborder="0"></iframe> <div id="space-for-ie"></div>
genxtine.blogspot.com
WELCOME


:D

Best view in IE Photobucket


Noon at ngayon
Wednesday, January 27, 2010

Ang nakaraan at ang kasalukuyan..
anu nga bang pagkakaiba??
Meron ba??????? (oo sobra)
ibang-iba na nga ba talaga???? (oo nga ehh)
sa panung paraan nagkaiba( eto cge.. ipapaliwanag ko)
cge simulan mo na.( eto nga ohh)
dali na..(oo eto na)

eto nga yun..

noon - 7:30 pa lang pala ng gabe ehh.. maaga pa.,.. gala muna tayo..

ngayon – shocks! 5:00 na ng hapon! putek.. kelangan ko ng umuwi..

dahilan – wala lang.. para kasing natatakot na ko pag inaabutan na ko ng gabe sa daan.. unlike dati na sige, go lang!! ngayon hindi na.. mas responsable na ko sa mga bagay bagay.. (yesss.. meh ganun???)


noon - haysss… dami ko nmang problema.. ayaw ko na… huhu

ngayon – haysss.. walang problema amp.. ang boring…. Kulang ang buhay..

dahilan – ewan ko.. trip ko lang magkaproblema pag walang problema at gusto kong sumuko pag may problema.. (taeng yan.. labo mo)


noon – yessss! 12:00 uwian… wuhooo! Gala mode ever…o kaya minsan tambay mode ..yipeee

ngayon – ba yan… 1:30 uwian.. wala namang magawa sa bahay.. kabagot..sana pla yung kinuha ko lang na sked eh yung 4:30 yung uwian..

dahilan – wala kasi akong kasamang gumala.. nakakalungkot..


noon – prend:tara alis tayo!
Ako: cge.. go go go! San tayo punta????

Ngayon – prend: tara alis tayo
Ako: hmm.. titignan ko pa.. di ko alam kung pwede ako ehh..

Dahilan – ang dami aksing ginagawa.. parang unti na lang yung panahon ko para maglagalag..


Noon – pagpasok ko ng college ang goal ko eh ang maghanap ng pogi..

Ngayon – nakaasar.. daming gwapo na paepal sa mundo!

Dahilan - ang dami ko ngang nakitang pogi kaso kung hindi bakla may gerlpren na nuknukan ng ________ hayss.. ayoko ng manlait.. (sama mo talaga)



Noon – wee.. papalate ako.. katamad pumasok ng maaga ehh..

ngayon – 6:45 na… wiheee!Happy day sana today…. Papasok na ko.. ayaw kong malate..

Dahilan – nakakatakot kasi ako malate ngayon ehh.. wala lng.. natatakot lang ako.. ayoko lng na nalelate ako..



Noon – wooot.. unli 7 days a week ….
Ngayon – unli once a month..
Dahilan – nakakatamad na kasing magtext nuhh..




Noon –konting anu lang, iiyak na ko..
Ngayon – sus! ako pa.. kaya ko yan.. bakit ako iiyak???? Naman!!
Dahilan – mas matatag na ko ngayon.. kaya ko ng harapin ang bawat pagsubok.. (mabuti nman.. im proud of you)




noon – sus.. di na ko magrereview..
ngayon
– shete kelangan kong magreview ng bonggang bongga!
Dahilan – kelangan ehh.. dapt ng mas seryoso sa buhay.. (naks.... gumaganun)



Noon- sa pag-ibig at sa kaibigan lang ata umiikot ang mundo ko..

Ngayon - sa pamilya at pg-aaral umiikot ang mundo… (na tama lang nman)

Dahilan – tinatamad kasi ako umiibig ngayon.. (kaya sa mga nagpaparamdam jan.. bala kayo! Prends lang muna tayo *pak*!) dapat ko lang talaga muna pag tuusan ng pansin ang aking pag-aaral..seryosohan na tohhh!!! At sa kaibigan, tama na yung nabigay kong panahon.. sa pamilya ko nman dapat.. dapat ginagawa ko ang best ko para sa pamilya ko.. dahil sila lang talaga ang mga taong hindi ako iiwan anu man ang mangyari (darama oyy!!)






At ayan na nga…. Mejo madami pa dapat yan.. kaso tinatamad na ko..
So ayan na lang.. ayunnn..
haha...

writtern @1:27 AM

ang ganda nitong verse na tooooooooooh!:)
Thursday, January 21, 2010

Ecclesiastes 3: 1-8

1 To every thing there is a season, and a time to every purpose under the heaven:
2 A time to be born, and a time to die; a time to plant, and a time to pluck up that which is planted;
3 A time to kill, and a time to heal; a time to break down, and a time to build up;
4 A time to weep, and a time to laugh; a time to mourn, and a time to dance;
5 A time to cast away stones, and a time to gather stones together; a time to embrace, and a time to refrain from embracing;
6 A time to get, and a time to lose; a time to keep, and a time to cast away;
7 A time to rend, and a time to sew; a time to keep silence, and a time to speak;
8 A time to love, and a time to hate; a time of war, and a time of peace.


shinare ko lang sa inyo.. ganda ehh nu.. parang ako..:))

kaya ayan...."a time for every matter" tma naman di ba??

writtern @2:54 AM

panaginip
Wednesday, January 20, 2010

nakakatakot toh.. haha para sa akin ahh.. ewn ko lang kung nakakatakot yun para sayo..
kasi ganito yun..
Natutulog ako..and ayun.. bday daw ni ryan nun.. tas nag mass kami sa sga.. tas yun.. the end.. haha.. kidding. Anyway panaginip nga pala toh... oh eto na.. game.. edi yun nga.. wait….


Characters:
Ryan Malit and family
Michelle Catubig ( pag may ryan may mitch. magkadugtong na yan palagi)
Mary Anne De Leon (labyu sis)
Ma. VEL (haba ng name ehh)
Toni Mae (yo bes!)
MOOFRIEND (angela)
AKO


Setting:
a) place – St. Gabriel Parish
b) time – around 10 in the evening I think.. im not sure,, wala namn kasing orasan sa panaginip di ba?
c) weather conditions – unpleasantly cold (meh ganun)


Plot:
Okay.. here it goes.. bday nga ni Ryan di ba?? so nag mass daw kami.. habang nag mimisa, si toni at ako lumabas para bumili ng popcorn (YATA if I’m not mistaken). and eto na yun.. may lalaking lumapit samen. He looks like a foreigner and absolutely he is. Tapus kinausap niya daw kami. Hindi ko maintindihan piangsasabi nya.. potek.. parang latin na ewan.. habang kinakausap niya kami, nakatitig siya samen. Nanlilisik ang kanyang mga mata. Nakakatakot siya.. at kami ni toni??? Ayun! Syempre tumakbo.. dalawa kasi yung gate sa sga di ba?? Tumakbo kami ni toni sa kabila.. pero biglang andun yung lalaki, nakaabang ata. Tas bumalik na lang ulit kami dun sa pinanggalingan namen tas nawala na siya.. pagbalik namen kela Ryan, tapos na yung mass.. haha.. edi uwian na.. kanya-kanya na kami ng way pauwi. Kasabay ko si moofriend. Tapos habang kami ay naglalakad may mga dumaan na motorsiklo sakay ang mga nagsisilakihang mga lalaki na nakaitim. Tas sabi ko kay moofriend “moo.haha.. mga goons.haha” sabi nman ni moo “ pak-yow” tas ayun na nga.. narinig pala ko ng mga ungas na yun.. hinarangan yung daan namen. Nandun na kami banda sa Dagohoy tapos bumaba yung isa, sabi “ mga goons pla ahhhh.. eh mga gonns nga kami” tas nagulantang kami ni moo.. haha.. kasi mga goons nga talga.. tas sabi pa nung goon “yari kayo”. Natakot na kami ni moo. Nagkatinginan kami at ONE, TWO, THREE! TAKBO!!!! takbo! Takbo kami. Tas takbo kami.. nandun na kami sa kalye namen. Tas sila andun pa rin.. susuntukin na ko nung isang goon buti na lang andun na kami sa may tapat ng bahay namen. Nakapasok ako sa loob.. kaso si moo?? Panu???? Lumabas ulit ako.. kasi nga si moo.. tas nung paglabas ko, si moo naman yung pumasok sa bahay namen. At ako?? Naiwan sa labas..tas binuksan ulit nila mama yung pinto tas lumabas si moo. Edi nasa labas na naman kami.. takbo kami dun sa maraming tao na nagsusugalan . nung nandun na kami, yung mga tao biglang nagsipasukan sa loob ng bahay. Ewan ko ba.. biglang *toot* nasa loob na sila lahat. Kami ni moo, naiwan sa labas. Tapos, nagising na ko..

Pinilit kong gisingin yung sarili ko. Kasi natatkot ako nagpa-palpitate na talaga ng bongga yung puso ko.. Thank GOD at nagising naman ako.. haysss..

Ayun lang naman..
Nakakatakot.. kasi ako yung bida.. haha.. joke.. kasi kung kayo yung nanaginip at makikita niyo lang talaga yung mismong itsura, potek! Nakakatakot talaga.. yung tipong mga itsura na papatay ng tao.. naman!

Tas yun.. pero ang pinagtataka ko lang..

Bakit kaya hindi ako tinulungan nila mama?

Bakit kaya ang bilis ng mga tao na pumasok sa loob ng bahay?? ( eh kadalasan pag ganun, mag nanakikisawsaw pala at khit hindi sila mismo yung kasangkot dun eh makikiepal sila)

At anong papel nila Ryan, Mitch, Mavz at sis sa kwento??( wla lang..haha.. nakita ko lang kasi mga muka nila sa panaginip ko. Kaya kasama na din sila)

At bakit naaalala ko pa toh?? (bihira lang kasi ako makaalala ng panaginip ehh )

Ayun lang nman. Yan ang aking panaginip..kala mo kung anu anu noh.. wag ka kasing basa ng basa.. yan tuloy, sayang oras mo sa walang kakwenta-kwentang ewan.. naman!

writtern @1:09 AM

kaunlaran para sa bagong bayan
Monday, January 11, 2010

1st version
bakit ka naligo sa dagat ng basura?
at sinong may sabing magpasko sa kalsada?
tinatanong namin,
may pakinabang ka ba sa amin.

nalaman mo na bang
pera mo'y nasa kanya
inuuto nga tayo para siya ang manalo,
at ang kanyang plano'y
magaway-away tayo

si Bilyard ba'y tunay na mahirap
si bilyard ba'y tlagang may malasakit
si bilyard ba ang may kakayahan
na hakutin ang ating yaman.


si money bilyard
ang magtatapos ng ating kabahuyan....

2nd version
nakaligo ka na ba sa dagat ng mga pera
nakapag chongke ka na ba sa gitna ng kalsada
yan ang tanong namin
tunay ka bang isa sa amin

nalaman mo na bang mpapag ruby ka niya
tutulungan tayo para maging sindikato
at ang kanyang plano'y
magnakaw tayo

si bilyard ang tunay na pahirap
si bilyard ang tunay na malaki ang bahay
si bilyard ang may kakayahang gumawa ng sariling sugalan

si money bilyard
ang maghahakot ng ating kayaman..

wooo... pinorward lang yan sa akin

hmmmmmmmmmmmmmmm..


ang ating bansang Pilipinas ay nagkakaproblema na naman sa pag taas ng presyo ng bigas. namn yan! may pag-asa pa bang umunlad itong lupang hinirang na tinaguriang bayan ni Juan????! hmmm..

ayan na nga. malapit na naman ang araw ng halalan at ang mga kandidato ay nagsisilabasan, sa mga tao ay kanya- kanya na silang paramdam at mga kanta nila ay tlagang pagandahan.

" hindi na tayo maghihirap sabay-sabay tayong uunlad. kailangan lang natin ng galing at talino ganyan kasi kami sa Makati sama-sama sapagkat di ka nag-iisa. sino ang dapat niyong iboto?? Ehhhedyy ako!.. " "salamat! salamat!" hala! anu na yan!?! samu't saring mga salita na animo'y totoo at mula sa puso. mga salitang totoo ngayong eleksyon at kapag nanalo, mga salitang ito sa lupa ay kanila ng ibabaon.

sino nga ba ang tunay na nagmamalasakit sa bayan??? sa bawat mamamayan? mayroon pa bang mamumunong matino at ang kanyang adhikain bansa natin ay umusbong at lumago??
sino kaya??? hmm.. dapat isipin ng mga bagong mamumuno na ang kanilang tungkulin ay manilbihan sa bayan at hindi nakawin ang pera ng mamamayan....



at sa bawat Pilipinong nais ng pagbabago unahin na muna nating baguhin ang ating pagkatao.
pakatino ka pre! sabay-sabay tayong magbago upang Pilpinas ay umasenso, makamit ang hinihiling na kaunlaran.

writtern @9:42 PM

Lepap!
Friday, January 08, 2010

Sinusulatan, nilulukot, tinatapon. Ganyan ang kanyang papel dito sa mundo. Para sa iba’y balewala, walang pakinabang, walang silbi. Isa lamang hamak na papel na dinudumihan, tinatapakan, pinaglalaruan. Walang halaga para sa nakakarami, ngunit ang isang papel na hinahamak lamang ng karamihan ay may malaking pakinabang sa akin. Itinuturing ko itong isang tapat na kaibigan na sa akin ay laging handang dumamay. Sa pagsusulat ko sa isang munting papel, na ilalabas ko ang aking lahat ng SAMA NG LOOB, HINANAKIT, GALIT! na hindi alam ng mga taong nakapaligid sa akin. wala silang alam sa aking nararamdaman. ayokong sa kanila ay ipaalam lalo na kung dito'y wala naman silang kinalaman. Sa papel ko lagi binubuntong ang aking nararamdam. Kahit siya ay akin ng murahin, babuyin at punitin, wala pa rin siyang imik at hinahayaan niya lamang ako sa aking gawain, hindi niya iniinda ang mga ito. Daig pa niya ang isang tao na iyong nakakusap, napagsasabihan ng problema, naiiyakan, nadadamayan. Ang mga kaibigan niya’y andyan para sayo, handa kang damayan. Ngunit sa paiba-iba mong problema, pauulit-ulit lamang ang kanilang sasabihin. “KAYA MO YAN!, MAAYUS DIN YAN!” pangkaraniwan nating maririnig sa ating mga kibigan ngunit napagaan ba nila ang ating kalooban? Hindi! Walang ngyari. Minsan pa’y imbis na pagain ang yung kalooban, ikaw pa ay susumbatan. Sasabihing “ANG TANGA MO! ANG BOBO MO! ANG ENGOTERSZZ MO! ISA KANG HAMAK NA INUTIL!” masasakit na salita na sayo’y nakadagdag pa ng hinagpis. di katulad ng isang papel, malaking tulong na naiilalabas mo sa kanya ang lahat ng yung pagkayamot at pagkalumbay sa buhay. wala kang maririnig, walang panlalait. Hindi man nakakapagsalita at sadyang walang pakiramdam gumagaan naman ang yung kalooban sapagkat nailabas mo ang yung hinanakit na wala kang masasakit na salitang maririnig.

Pagakatapos mong labasan ng sama ng loob at ikaw ay Masaya na, maligaya, at payapa, ang munting papel na iyong naging karamay sa panandaliang kadiliman ng iyong buhay ay iyo ng pupunitin, lulukutin at itatapon na sa basurahan. Ikaw na ay muli ng magbabalik sa iyong mga kaibigan, sa mga tao na may kakagawan ng yung kalungkutan.

Ang papel? Wala na. nakalimutan na. ang papel muli ay wala ng halaga. Kaawa-awa. Ngunit anung ating magagawa? Ito’y nilikha upang ating sulatan, dumihan, pagdrawingan at itapon sa basurahan. Datapwat kahit gannon pa man. Matutunan din sana nating ito’y pahalagahan at gamitin sa kapakipakinabang na paraan.

writtern @3:44 AM

biglang singit..
Wednesday, January 06, 2010

Di ko gets?
Bkit ganun? I really do not understand why is it like that? Ang gulo! As in! Superb! Bakit kaya? Anu ba to?

Ikaw: bakit nau ba yun?
Ako: eto kasi oh.
Ikaw: bakit nga?
Ako: kasi nga.. kasi.. ganito yun..

Pamangkin ko yan! Pogi nu?? syempre! What do you expect?? Maganda ang tita ehh.. haha. Anyway, ganito kasi yun. Kasi pag si pamangkin ay:
Tulog--- ginigising ko siya. Ang cute kasi ehh.. ang sarap harutin.haha..
Gising--- pinapatulog ko naman.. kasi ang harot! Ang gulo-gulo..
Nanahimik--- ginugulo ko. Kasi gusto ko siyang mag ingay.. ang cute kasi ehh.. haha
Magulo--- pinapatahimik ko. Ang ingay ehh.. ang kulet! Nakakainis..haha..

Gulo noh? Oh di ba? Kawawa naman ang pamangkn ko. Di malaman ang kanyang gagawin..haha
So ayun…

Biglang singit.. eto talaga yun.

This is it!
Why do people don’t have any contentment? I mean di ba? Even though they’ve already got everything, still there is something missing. Laging may kulang pa rin, laging hindi pa rin sapat. Lagi na lang. parati na lang! Or sometimes kahit wlang kulang, they desire naman for a better one.

Yeah! Human beings don’t satisfy on what they have. we want this and that and this and that. That’s why scarcity exist (owyes.. anu toh?? Economics?? Hehe) because we have unlimited needs, wants and desires. Ang dami dami dami dami dami dami dami dami dami nating gusto sa buhay.. GRABE! Bakit kaya nuh?? We always long for something that will give us pleasure! Yeah! Nothing but pleasure. But do you think that is enough? Will it give significance in your life? Uhhh! I don’t think so. But! But! But! We can be happy and contented in what we have if we know how to VALUE them! Yah! Just value the things that you have and you will be satisfied. Learn to live a simple life, not a lavish life. Okay. Be grateful on what you have.
Yun! That’s all for today folks! hehe :)

writtern @11:27 PM

a year for a great shift..!
Saturday, January 02, 2010

owyeah.. 2010 na nga.. and yown... 2010 na nga.. haha.. anu ba???
hmmm.....dahil bagong taon na nga, dapat na ngang magbago na tayo noh! Dapat paabante ang takbo ng ating buhay at hindi paatras. At kung gusto mo ng pagbabago , simulan mo yun sa pagbabago ng yung kaisipan. Paano??? Simple! Isang madaling halimbawa, kung ikaw ay pessimistic last year oh well, edi maging optimistic ka this year. Ganun lang yun pre! Anu ba?! Haha.. di ba nga, lahat naman ehh nakaksalalay sa ating utak. I mean di ba?! Yung brain yung nagcocontrol ng mga kung anung anik anik sa atin.. so ayun. Kaya kung nais mo ng pagbabago edi yun nga at simuan mo na ngayon.. hindi mamaya, hindi bukas at lalong hindi sa isang taon. maraming pilosopo kasi dyan na sasabihin, next year na lang may next year pa naman ehh..*tungal!* eh pano kung wala ka na next year?! Di naman natin masabi di ba? Kaya habang nabubuhay ka pa, gumawa ka ng mga bagay na makakabuti sayo at sa kapwa mo para kung sakaling anung mangyare, wla kang pagsisisihan kasi ginawa mo lang naman ang mga makakabuti. Ayun!



AKO??! Anu bang mga pagbabagong gagawin ko ngayong taon??? Naku! Mukang marami ahh.. haha..

Okay eto ang mga yun:

Hindi na ko manlalait. Laging mga mabubuting bagay na lang ang titignan ko sa aking kapwa

Hindi na ko magsasayang ng oras sa pagtutunga lang.

Hindi na ko mag ka- cramming sa paggawa ng mga takda at project. *kaya ko ba yun?*

Hindi na ko masyadong gagala.

Iiwasan ko na ang pagastos sa mga bagay bagay na hindi naman kelangan at mga kaluhuan lamang.

Iiwasan ko na ang pakikipag-away sa aking kapatid na tungal.

Magiging masipag na ko. Tutulong na ko sa mga gawaing bahay at hindi na ko aasa medyo sa katulong namen..



Owyeah.. potek! Ang dami! Magawa ko kaya ang mga yan??? Naku naman! Haha.. parang ang hirap! Parang kaya ko lang toh ng 1 week. Hindi ako tatagal..Haiysss.. *OOPS!* sorry! Wag nega! KAYA KO YAN DI BA??! AKO PA! wooohoooo!! yeahvah! Haha,.



So ayun.. kayo din magbago na.. haha..

Tandaan.. TAYO ANG SIMULA! IKAW AT AKO! TAYO!

writtern @10:52 PM

a happy new year!
Friday, January 01, 2010

welcome 2010! uyeah.. ang bilis! parang kelan lang... haiys... and yown! im down updating my blog. sa wakas! grabe.. kaasar kasi ehh.. nasira yung template..ampness.. anyway, happy year ulet sa ating lahat.. so what's up with you people???.. kamusta ang new year naten?? i hope eh mga buo pa ang mga kamay naten jan di ba??? hehe..
okay.. new year na naman.. ibig sabihin, panibagong taon na naman..
anu bang balak mo ngayong taon???
ano bang mga pagbabagong mangyayare sayo??
ano ba ang mga mangyayare sayo?
YAN ANG ATING AABANGAN....

eto na lang muna.. napagod ako sa pag-eedit ng mga kung anu-ano.. so ayun..
have a blissful year..
magbagong buhay na tayong lahat ng umasenso naman tayo pare-pareho.
dami kasi naiting pinagdaanang matitinding sakuna nitong nakaraang taon, nararapat lang na guminhawa naman tayo ngayon..
gusto mo yun di ba??
edi simulan mo ng magbago.. NOW NA!

writtern @2:22 AM