Ang Mahiwagang Mensahe
Wednesday, November 11, 2009
Ahmm.,. nakausap mo na ba Siya? Ni minsan ba nagpasalamat ka sa Kanya?? Kilala mo ba Siya?? O katulad ka rin ng marami na walang pakeelam sa Kanya??
Ikaw, ako, tayong mga Pilipino haha.. masyado tayong busy sa buhay buhay naten. Masyado tayong abala sa mga kung anong anik anik na Gawain. Nais ko lang ibahagi ang kwentong ito na narinig ko lang nitong nakaraang Linggo.

May isang lalaki na nakikipag-usap kay God. Tinanong siya ni God kung anung mga plano niya sa buhay niya..
Man: mag-aaral ako ng mabuti..
God: pagakatapos
Man: magpapakadalubhasa ako.
God: pagakatapos
Man: magtatatrabaho. Magpapakayaman ako.
God: pagakatapos
Man: mag-aasawa na ko. Bubuuo ako ng masayang pamilya.
God: pagakatapos
Man: pag-aaralin ko mga anak ko. Aalagaan ko sila.
God: pagakatapos
Man: siguro sa panahong yun, matanda na ko. Hihintayin ko na lang hanggang sa mamatay na ako.

Eto pang isa.. (ang mga pangalan na nakalagay ay pawang ginamit lamang, wala silang kinalaman dito at hindi ako humingi ng pahintulot sa kanila.haha)
Mary Anne: haiyyss.. tinatamad ako magsimba.. next Sunday na lang.
Michelle: nagpefacebook pa ko ehh.. ayoko mag bible study.
Angela: mas gusto ko pang magbasa ng text kesa magbasa ng bible noh.
Gen: (text ng text, nuod ng tv, nakikinig ng radio hanggang 4 ng umaga, nakalimutan ng magdasal at hindi na nagdadasal)
Katulad ka ba ng mga kabataang ito??? Nakooo! Nakoo! Nakoo! Magbagong buhay ka na! wag mo silang tularan.
Marami tayong panahon sa mga bagay na hindi naman naten kelangan, pero sa Kanya, konting panahon lang di pa natin mabigay. Naman!

Naaalala ko pa ang sinabi ni Sir Quimpo
“mas mabuti ng naniniwala kang may Diyos, kung sakaling wala, ayos lang at least naniniwala ka, kesa naman hindi ka nanininiwala, yun pala meron. Nakakatakoy yon!” ------------- yeah oo nga.. at tsaka di ba, ayus lang maniwala kase napapabuti ka pa..
Kaya nga ako nagbabagong buhay na ehh.. haha.. totoo maniwala ko naman! Pls. haha..
Nga pala.. pls pray for me.. kasi hanggang ngayon, undecided pa din ako. Di ba nga gusto ko magmadre?! Seryoso ako dun. Pero nagugulahan pa din ako. Parang ang dami ko pang gustong gawin, pero parang gusto ko din na maglingkod sa Kanya.. haiiysss.. helppp!!!
