maganda ka ba?? tingin mo ba maganda ka talaga?? kala mo ba talagang maganda ka?? maganda ka ba sa tingin mo?? talaga bang tingin mo maganda ka?? maganda ka ba sa paningin mo?? maganda ka rin kaya sa tingin ng ibang tao?? hmmmm...
mga uri nga
MAGANDA:MAGANDA --- eto yung mga tao na sadyang maganda talaga sa panalabas na kaanyuan. karamihan sa kanila, humble lang. yung tipong ayaw nilang masabihan na maganda sila. yung parang "eehh.. ewan ko sayo! hindi namn eh" yan ang pangkaraniwang sinasabi nila.
-meron naman na "Thank you" ang sagot. sila yung hindi nman mayabang dahil maganda sila, parang na appreciate lang nila yung sinabi mo sa kanila.
NAGFE-FEELING MAGANDA --- naku po! maraming ganito. sila yung kala mo napakaganda nila, pero sa totoo lang kasuklamsuklam ang pagmumuka nila pati pag-uugali. eto yung mga
PANGET na nga
MAYABANG pa ang pangit naman nila. kaasar yung mga taong ganito. karamihan sa kanila ang mga basehan ng maganda ka eh ang:
- nagkaron ng maraming boypren/girlpren na pinapangalandakan pa.
- pinuri lang ng kaunti, akala mo kung sino ng mgaling
- mga hindi nila ka-level!
- epal!
--- ang mga taong kabilang sa uri na to ay itinuturing na
SALOT NG LIPUNAN!NAGMAMAGANDA --- ang mga taong to ay naayaon sa dalawang uri, it’s either mabuti siyang tao or nagmamagaling lang.
- yung mga taong mabuti, sila yung nagamamagandang loob. pero hindi lahat ng nagmamagandang loob ay mabuti, dahil yung iba sa kanila,
KAPLASTIKAN lang ang ginagawa just TO SHOW na mabuti silang tao. akala mo kung sinong anghel, pero pag wala ng nakakaalam ng ginagawa niya, nako! mas masahol pa ang mga taong to sa demonyo. pero hindi naman sila ganun kasama. yung iba sa kanila kaya nagpapakabuti
"KUNO" kapag may tao ay para makuha ang gusto nila (kung anu man yun) kaya ginagawa nila yun..
- yung mga taong nagmamagaling naman, isa pa rin sila sa mga salot ng lipunan. akala mo kung sinong napakatalino at perpekto! akala mo alam na niya ang lahat. masayado silang mayayabang! eh sa totoo lang hindi naman sila kagandahan at kagalingan. MEHGED!
HINDI MASYADONG KAGANDAHAN - sila naman yung mga hindi naman kagandahan pero gumaganda sila kasi positive sila. yung feel nilang maganda sila. yung iba naman kahit di kagandahan, gumaganda kasi maganda ang kanilang kalooban. kung tutuusin, mas maganda pa nga sila sa totoong magaganda. hindi naman lahat ng hindi masyadong kagandahan ay pangit, yung iba dito
CUTE lang..
ikaw?? tingin mo? anong uri ng ganda meron ka???
basta ako alam kong
MAGANDA AKO dahil
NAGFE-FEELING MAGANDA at
NAGMAMAGANDA ako kahit
HINDI naman
AKO MASYADONG KAGANDAHAN dahil hindi naman talaga ko maganda.
SOBRANG GANDA KO LANG TALAGA!
writtern @11:11 PM
Ahmm.,. nakausap mo na ba Siya? Ni minsan ba nagpasalamat ka sa Kanya?? Kilala mo ba Siya?? O katulad ka rin ng marami na walang pakeelam sa Kanya??
Ikaw, ako, tayong mga Pilipino haha.. masyado tayong busy sa buhay buhay naten. Masyado tayong abala sa mga kung anong anik anik na Gawain. Nais ko lang ibahagi ang kwentong ito na narinig ko lang nitong nakaraang Linggo.
May isang lalaki na nakikipag-usap kay God. Tinanong siya ni God kung anung mga plano niya sa buhay niya..
Man: mag-aaral ako ng mabuti..
God: pagakatapos
Man: magpapakadalubhasa ako.
God: pagakatapos
Man: magtatatrabaho. Magpapakayaman ako.
God: pagakatapos
Man: mag-aasawa na ko. Bubuuo ako ng masayang pamilya.
God: pagakatapos
Man: pag-aaralin ko mga anak ko. Aalagaan ko sila.
God: pagakatapos
Man: siguro sa panahong yun, matanda na ko. Hihintayin ko na lang hanggang sa mamatay na ako.
Haiyss.. kawawang bata. Ni hindi man lang nasama sa plano niya ang maglingkod sa Diyos. Katulad ka din ba niya?? Sarili lang ang iniisip. Tskk….
Eto pang isa.. (ang mga pangalan na nakalagay ay pawang ginamit lamang, wala silang kinalaman dito at hindi ako humingi ng pahintulot sa kanila.haha)
Mary Anne: haiyyss.. tinatamad ako magsimba.. next Sunday na lang.
Michelle: nagpefacebook pa ko ehh.. ayoko mag bible study.
Angela: mas gusto ko pang magbasa ng text kesa magbasa ng bible noh.
Gen: (text ng text, nuod ng tv, nakikinig ng radio hanggang 4 ng umaga, nakalimutan ng magdasal at hindi na nagdadasal)
Katulad ka ba ng mga kabataang ito??? Nakooo! Nakoo! Nakoo! Magbagong buhay ka na! wag mo silang tularan.
Marami tayong panahon sa mga bagay na hindi naman naten kelangan, pero sa Kanya, konting panahon lang di pa natin mabigay. Naman!
Naaalala ko pa ang sinabi ni Sir Quimpo
“mas mabuti ng naniniwala kang may Diyos, kung sakaling wala, ayos lang at least naniniwala ka, kesa naman hindi ka nanininiwala, yun pala meron. Nakakatakoy yon!” ------------- yeah oo nga.. at tsaka di ba, ayus lang maniwala kase napapabuti ka pa..
Kaya nga ako nagbabagong buhay na ehh.. haha.. totoo maniwala ko naman! Pls. haha..
Nga pala.. pls pray for me.. kasi hanggang ngayon, undecided pa din ako. Di ba nga gusto ko magmadre?! Seryoso ako dun. Pero nagugulahan pa din ako. Parang ang dami ko pang gustong gawin, pero parang gusto ko din na maglingkod sa Kanya.. haiiysss.. helppp!!!
writtern @12:50 AM
The friends! Anu nga ba ang friends?
For me ahh, friends can drive me really crazy, make me laugh till I cry, lift me up when I’m down. But the best of all, friends make the world a nicer place to live in. ayt??? Haha
Okay.. my friends:
1)
THE TETXTUS FRIENDS – these are my friends na kaibigan ko lang sa text. I mean, close kami pag mgkatext kami. Yung tipong super duper close. Yung parang ganun. Kala mo kilalang kilala na namen yung isa’t-isa ng bonggang bongga. Pero pag nagkikita na kami, hindi kami nag-uusap o nagpapansinan man lang. yung parang okay! Do I know you?! Haha.. pero hindi naman lahat. Kasi yung iba, close pa rin kami kahit sa personal. ganun. Naku. Maraming ganito. Kabilang ka ba dito?
2)
THE MISERABLE FRIENDS – AY NAKU! Marami din to.. eto naman yung mga “KAIBIGAN” na naaalala ka lang pag may problema sila. Oh well, I’m thankful because they trust me. Sometimes, they also confide secrets. ayun.. But then, what I hate about this kind of friendship is that when they feel that they are already okay, they forget about you. They don’t even text you or what. WALA NG PARAMDAMAN. Kelangan ka lang nila pag may problema sila. Pero pag okay na sila, hindi ka na nila kilala. Hmmmmm… sino kaya to??????!
3)
THE JOYFUL FRIENDS – ahhh. Mejo unti lang to. sila naman yung mga kaibigan na anjan lang pag Masaya ka, pag okay ka, pag gagala kayo… sila yan… but in times of sadness ay nakoooo!! Para silang bula na biglang nawawala.. yung parang I don’t care eh eh eh eh eh eh.. they don’t really care about you at all. So far, mga 3 lang naman sila dito…
4)
THE FRIENDS – eto naman yung mga kaibigan mo na wala namang problema sa kanila. Okay sila. They care about you. Pero, pero, pero, parang may kulang pa din. Kasi may mga bagay na hindi mo masabi sa kanila. Yung ganun. Pero yun lang naman. Okay SILA!! Maraming kasama dito.. hehe
5)
THE TRUE FRIENDS – totoo nga na sa dinami dami ng kaibigan mo, iilan lang talaga yung totoo at tunay. Wala akong masabi sa mga taong to.. I’m lucky to have them:
MOOFRIEND (angela) – lagi siyang anjan for me. She never forgets me.
SIS ( mary anne) – my sis..i love sis.. lagi siyang may trust sa’kin.
HEART(Opel) – siay yung taong dumamay sa akin ng bonggang bongga. Nagging diary ko to minsan. Haha
BITCH ( mitch) - takbuhan ko to pag umiiyak ako..
TOS (mez) – tos means, “TO”toong kaibigan. Nilagyan lang namen ng “S” para anu. Para wala lng.. haha
MAV0L ( mavz) – GRABE!!! Nanay nanay to sa akin. Lalo na yung ginawa niya na.. YUN NA!!
BEZ (madel) - we still keep in touch
RY (ryan Malit) - si ry!! kahit di ko sabihin na may prob ako, kahit na magpretend ako na okay ako. Nahuhuli pa din niya ko. I really don’t know. Every time na magtatanung siya sa akin kung may prob ako, laging natataon na meron. At higit sa lahat may malasakit sakin si RY! Hindi niya ko pinagmukang tanga..haha
Okay. So, all I can say about this is; making relationships work requires flexibility and a lot of give and take.
No one is perfect, so no one can expect perfection in their friends.
Yeah. Yeah. Yeah.
writtern @2:56 AM
Oct. 24 – simula na ng bakasyon ko. Oyeah.. so xmpre, gumala muna kami. Pero sa vmall lang. yun lng naman
Oct.25 – wala sina kuya. Nag-Tagaytay sila. Kaya ayun, ako nag-aalaga ke pamangkin.
Oct.26 – walang magawa sa bahay. So nagbasa na lang ako. ”My babysitter is a vampire”. Nakahambalang kasi to sa dadaanan ko,eh wala akong mahanap na pwedeng basahin, kaya ayan na lng. Ang pogi ni VINCENT GRAVER.
Oct.27 – supposedly gagala kami ng aking mga chummiessss. Pero hindi natuloy. Si mitchhh kasiiiii.. hmmpp.
Oct. 28 - nag-ayos ako ng gamit ko. Ang gulo kasi. At sa pag-aaus ko, nakita ko to;
ST. PAUL’S DICTIONARY
CARLOTINA – cartolina ( Joshua)
SUSPONED – pinaghalong suspended at postponed (me)
CLOVIS - clover at chips (Faylon)
PLANGKS - plants (me)
EGGSTRA – extra (mitch)
HYPOTENAWWWS - hypotenuse (Nonato)
RELYANO -relyeno (Faylon)
ILOG SA DAGAT – ilog at dagat (me)
CAPETAIN – hindi malamn kung kapitan ba o captain ang ililagay (KAYAMANAN 3)
3 ARAW SA ISANG BESES - 3 beses sa isang araw (Joshua)
KAMAY KASI BAKA L MO EH – bakal kasi kamay mo (Joshua)
Sa totoo lang yan, kulang pa yan. Yan lang ang mga naisulat ko.kaya ayan.
Oct.29 – dapat gala to wid moo, grenc, raine and treng. Pero hindi naman talaga na plano so wala. Umuwi na lang ako sa Meycauayan.
Oct. 30 – andun na ko sa Bulacan. Grabe!! Ang saya. Very peaceful at ang lamiggggg!! Hehe.
katuwa.
Oct. 31 - HAPPY BIRTHDAY RAINE :)
Nov .1 – wla lang. nanuod lang at natulog.. feel na feel k ang bakasyon.. wala akong ginagawa dahil wala naming magawa.
Nov. 2 – umuwi na ko. Kasi mag-eenroll pa ko bukas..
Ayannn,.,ganayan lang naman ngyare sa buhay ko..
writtern @2:33 AM