relihiyoso nga bang tunay??!
Friday, September 25, 2009
kagabe nanunuod yung tatay ko sa UNTV ng ANG DATING DAAN . (ang bait nu? mana ko dun.haha.. JOKE. wla lang siyang mapanuod, kaya yun..) ayun pinpakita dun yung mga dating taga IGLESIA na binansagan nilang "EX-MAN". ang mga "EX-MAN" na to ay ngapapahayag na mali daw ang mga tinuturo sa kanila ng INC, taliwas ang binibigay na kahulugan sa mga nakasaad sa bibliya. binabatikos ng mga ADD ang INC sa maling turo DAW nila ng salita ng Diyos at sa pagiging walang kalayaan ng mga myembro nito.
sa kabilang panig naman sa INC sinasabi naman nila na napakaliteral DAW ng paliwanag ng mga ADD at ang pamunuan nila ay kurakot sa pera. madaming sobre ang ibibigay para DAW sa iba't-ibang proyekto para sa simbahan. may mga tumiwalag din sa ADD na iniinterbyu ng mga INC. dito ang dating myembro ng ADD ay nagsisiwalat ng mga kabalastugan ukol sa pinaggagawa ng ADD na kesyo ang pera na kanilang ibinibigay para sa simbahan ay ginagamit lamang ni BRO.ELI SORIANO sa pangingibang bansa at madami pang ibang reklamo.
nakita niyo naman. mga ALAGAD NA DAW NG DIYOS ang mga yan. ngunit tignan niyo naman, imbis na maging modelo para magkaisa ang mga tao, sila pa mismo ang nagsisiraan. bakit hindi na lang kaya sila magtulungan? o di kaya respetuhin man lang sana nila ang mga paniniwla ng bawat isa. hindi eh. puro BATIKOS at laging naghahanap ng ikakasara ng isa. tskk..
hay naku. kawawang mundo.
parang anu lang.