KALAMIDAD!!
Sunday, September 27, 2009

mehged!! grabe nung saturday nu?! ang lakas ng ulan. talagang GABAGYONG ULAN! naman. maraming lugar ang binaha. THANK GOD! ung lugar namen binaha hanggang talampakan lang. haha(korni ko). oh well, thank God ulit kasi wlang baha sa may amin, pero dun sa may kanto hanggang ankle lang yung baha and TAKE NOTE ang linaw ng tubig. pwedeng pwedeng lumangoy kaya lang ang baba eh. haha:) ayun. laking pasalamat namen kasi di kami apektado. yun nga lang di ka rin makalabas kasi yung ulan. grabe walang magawa. walang internet, walang cp, walang cable. kaya ayun nagbasa na lang ako ng KAPITAN S

pagasapit nung linggo, ayun na. patungo kaming simbahan. mejo humupa na ang ulan. LORD'S DAY ehh kaya maaus ang panahon. nasa taxi kami papuntang cubao. grabe! parang GHOST TOWN ang eksena. ang tahimik, walang tao, wala masyadong sasakyan. nakakapanibago. as in kakaiba talaga. para bang wala ka sa earth. oh edi yun. nasa church na kami, my ges spiker kami. kaelibs ang galing nya. idol ko na sya. hindi ko alam kung panu nya nagagawa yung mga bagay na yun pero ako mismo nakaranas. kakaiba. ang galing ng HOLY SPIRIT. ang bait bait ko nung mga panahon na yun. pero nung paglabas namen, wla na. demonyo na ko ulit. haha biro lang.:))
pauwi na kami. pero wala pa ring bago sa sitwasyon. ganun pa din. tahimik, walang tao, wala masyadong sasakyan. mga naglilinis siguro ng mga bahay nila. ayun. sumakay kami ng bus. maayus yung bus na nasakyan namen (nung una). pero potek. umekis ekis kami. para bang nakasakay kami sa isang ride sa star city. nagkakagulo na yung mga tao sa loob ng bus. tas ayun THANK GOD ulit. napahinto niya yung bus. yun pala , kaya nagkaganun, kasi naagloloko yung preno nung sasakyan. edi yun. bumababa na kami. sabi nung isa dun. makakarating naman tayo eh. dahan dahan lang. jusko! makakarating??? san? sa langit? kaya bumaba na talaga kami. umuulan pa. ang dulas dulas ng daan ehh.. sa my walter mart kami nun. ayun. yun lng naman. ang mga pangyayare.
ngayon. kasalukayan pa ring wlang pasok, at may mga lugar pa na baha. tv, radio, si ONDOY ang balita. grabe ginawa niyang pinsala. pero ang nakakatuwa dito lahat ng mga tao nagkakaisa, nagtutulungan meron tlagang pagkakaisa.... salamat sa mga tumulong at patuloy pa ring tumutulong upang matulungan ang ating mga kababayan. ipagdasal po natin ang ating kapwa at ang ating bansa..:))
ikaw? kamusta ka??