balen*tayms+plus-minus/dedbydedbay. :))
balita ko valentine’s day daw ahh. :) oh tapos?
kelangan ba naka PULA??
kelangan ba may BULAKLAK??
kelangan ba may CAKE?
kelangan ba may REGALO??
kelangan ba may SHOTA??
yan ba ang basehan para maging masaya ngayong araw ng mga puso??
napakababaw..
may natanggap ka man o wala, dapat ka maging masaya kase
- BUHAY at HUMIHINGA KA.
- kASAMA MO ANG MGA MAHAL MO SA BUHAY.
- HINDI LUMINDOL AT GUMUHO SA LUGAR NIYO.
- AT HIGIT SA LAHAT
MAY KINAKAIN KA.
yum.yum.yum
hi blog. i miss you :)
yeah. here i go again. alam mo na kung bakit.
may problema ako eh. sanay ka naman siguro dun na pag may problema ako ikaw ang tinatakbuhan ko. sino pa ba ang maasahan ko kundi ikaw lang. kaw lang nakakaintindi saken ehh.
kase di ka nagrereact. hehe.
anyway. ano ba?! ayun. katulad nga ng sabe ko may problema ako. ang problema dun, hindi ko alam kung ano. haha :P
hmm. pano ko ba sisimulan? sa totoo lang hindi ako masaya. alam mo naman yan ehh. yung puso ko puro sama ng loob at galit. ewan ko ba?! naaasar ako sa mga taong nasa paligid ko. wala naman silang pakelam saken ehh. o kaya baka nasanay lang talaga sila na lahat OKAY LANG SAKEN. hirap pala ng ganun pag lahat okay lang. they don't even bother to ask you kung ok lang ba talaga sayo hindi kase alam nila lahat sayo OK LANG.
AYOKO NG..
1.
MAGING MABAIT ---naaabuso na ko. hindi porket hindi ako humihindi sa isang bagay eh ok na saken. ewan ko. ayoko lang siguro ng may pinag-uusapan pa kaya oo na lang ako ng oo. ayoko pa ng issue yung mga ganun ganun. kaso mahirap din pala. ewan. gulo ko noh? BASTA.
2.
UMINTINDI --- ako kase yung tipo ng tao na hangga't kaya ko pang intindihin eh iintindihin ko yun. kaso mali. nasasanay sila na "MAIINTINDIHAN NAMAN YAN NI KRISTINE EH" kaya go lang sila ng go sa isang bagay na kahit alam nilang masasaktan ako, kase nga MAIINTINDIHAN KO NAMAN SILA DI BA? ang hirap. hindi naman ako ganun katalino para lahat ng bagay intindihin ko. hindi ba pwedeng sila naman ang umintindi saken ?
3.
MAGPAHALAGA ---sa isang bagay na hindi naman ako kayang pahalagahan. waste of time. shit! sila importante sila sayo, pero ikaw parang wala lang sila. BULLSHIT YUN! hello?! bigyan mo naman ako ng halaga paminsan minsan. nakakagago to. haha. pramis! they keep on telling you that they love you, they care for you? and what?!! NON-SENSE SHIT!
4.
TUMAWA --- akala nila lagi na lang ako masaya. malungkot ako sa totoo lang. kaso mas gugustuhin ko pang tumawa kesa umiyak. yun nga lang di ko pa din mapigilang umiyak ehh. lalo na pag di ko na talaga kaya at nasasaktan na ko ng sobra. pero syempre ang iisipin nila ang drama ko naman! hayss. at sasabihin pa nila sayo "HINDI BAGAY" damn it! hindi ba pwedeng magseryoso naman ako at malungkot. eh sa hindi ko na talaga kaya tumawa pa ehh. hirap na ko! tanga ba?!! wala ko sa mood tumawa. kaya please........ :(
5.
MAGING AKO.
--- gusto ko ng magbago. ayoko ng maging ako. gusto ko ng magseryoso, yoko na maging mabait, yoko ng umintindi yoko ng mag bigay halaga sa kung ano pa naman. ang gusto ko ako lang,. let's just say magiging SELF-CENTERED ako this time. yun bang sarili ko lang ang lagi kong uunahin at iisipin at hindi na yung ibang tao. yung AKO MUNA BAGO KAYO! yung ganun ba?! kaso pano ko ba to gagawin?! hmm..
eh ayun NGANGA! AYOKO NG MAGING AKO!!!!!!!!!!!
i don't have any stories to tell you right now. im kinda busy with so many things lately. but i'll try to cope up with you soon. hope you understand. (ECHOS) haha.
arteee ko lang.
anyway. hmm. so what's up??? well, im doing great. medyo puyat and pagod lang pero keribels ko pa naman so yun lang. haha. wala ko makwento kase wala naman masyadong nanyayareng kakaiba sa life kooo
im not totally happy, but im CONTENTED
Contented with so many things
*Having an awesome parents
*True friends
*Good grades? (o assuming lang ako? haha )
*And Him
*and of course because of God . :)
oops speaking of God. medyo nawawala ako ngayon sa church. di ako masyado active.
and take note NO DEVOTION FOR 1 MONTH?!!!!! awww. too bad for me.
hindi na na fi-feed yung soul ko
ng Word of God. geeesh..
BABAWI ako.. pramis.
so yun. that's all for today folks
here i go again.
namiss kong mag blog
the place where i can truly express myself
yung ako lang. walang na ngegelam sa sinasabe kooo. :)
so ayun. kamusta ba ang buhay ko? i actually do not know
minsan masaya, pero madalas badtrip. hassle, haggard at stress ako sa kung ano. nagiging masaya alang ako kapag katext/kausap ko SIYA, nag internet, mag-isa sa bahay, at pag ksama ang mga friends. pero hindi pa rin ako totally masaya sa ganun? bat kaya ?
hmm..
anyway. ayun. medyo busy din ako... wala kaming katulong. so cinderella mode ang dramahan ko. nakakapagod lang
may times na gusto ko ng sumuko. yung feeling na ang TANGA TANGA mo pag dating sa gawaing bahay..
ay nako.. NAKAKABADTRIP LANGGGGG.
oopps. tinamad ako magkwento bigla. haha. sa susunod ulit..
YOU = BLOG namimiss ko ng mag blog. wala na kase akong makwento ehh.. tapos yung iba hindi na nagbablog spot. sa tumblr na sila ngayon. kaya yun. di a kita nauupdate.. sorry ahh..
kamusta ka naman ba?? grabe. wala lang.. haha. :D ang tagal na pala ng huling post ko sayo nuh. last year pa ata yun. kagrabe lang.. ayun. :)
anu bang kwento ko sayo?? uhmmm edi ano.. medyo busy ako. haha.. yun lang.
Weee.. so obvious naman sa title kung tungkol san toh diba?? so ayun.. anu bang masasabi ko tungkol dito??? To tell you honestly im not a good student, I hate teachers; I tell bad things about them behind their backs (tama ba English ko?? Trying hard ehh,,haha) . Grabe nuh?? Ang sama ko.. in short, plastic ako…. Hindi nman maiiwasan yun nuh.. lalo na yung mga teacher na ang dami daming pinapagawa,, yung sunod-sunod!! Hey! Anu ba??? Hindi lang yan ang subject namen! Kaasar! Pero you know what, dati kasi I don’t really care kung magalit ako sa mga teacher at sabihan ko sila ng kung anu-ano kasi naman hindi naman nila malalaman diba??! pero ngayon, pagnagsasalita ako ng di maganda sa mga teacher there is a guilt feeling inside parang “hoy yang sama ko!” yung ganun?? Ewan! Simula ng mag new year nagbago na ko.. (haha.. oo maniwala ka.. ) yung tipong may pakiramdam ako na ang sama ko sa tuwing may sasabihin akong hindi maganda sa iba.. (yeah! Bait ko na.. lol) ayun….. anyway, hindi naman talaga ako ganung kasamang estudyante. May mga teachers din naman ako na naaapreciate ko…
Eto nga pla yung mga naging teacher ko na natatandaan ko pa..
Mrs.mendoza – woot! Kilalang kilala ko toh! Isa siya sa mga teachers na hindi ko malilimutan. Panu ba nman kasi diba? siya kaya unang teacher ko…
Mrs. Soriano
Mrs. Deala
Mr. misa – ang poging poging teacher namen.. haha
Mr.salinda
Mr. pangan – oh?? Anu?? Haha.. wala lang.. no comment ako dito.. hehe..
Sir yamzon- oh goodness!! Namimiss ko na si sir!
Ms. Garcia – one of my favorite teacher.. yeah! Ang galing kasi magturo! Grabe.. yan lang yata ang teacher na hindi ko nilait o pinagsabihan ng di maganda.
Ms. Raymundo- love ko toh ehh.. hehe
Ms. Cabigao- oh.. love ko din toh.
Ms cabigao agen – love ko rin toh.. haha
Ms. Villavicencio (tama ba spelling ko??? Shete nalimutan ko na i-spell yung name niya) – naku! Matino ako dito!
Ms. Hilario
Ms delos reyes
Ms. Gemina
Mrs. bacula
Sir magayaga
Ms. Casumpang – kamusta na kaya to???
Ayun… sila yung mga teacher ko nung gs at hs.. yung iba na wala jan, nalimutan ko na.. sori po… hehe..
At ngayong kolehiyo na ko ang pinaka-like kong teacher ay walang iba kundi si mr. catchuela! Wooah! Grabe! Ang galing galing niya talaga at hindi boring… woooh! Idol ko nga toh ehh.. wohoho.. “solis popolis est suprema lex”. nyahaha.. Spanish yan.. yan tuloy ng dahil sa kanya parang gusto ko na ring mag –aral ng Spanish!! Haha.. wish ko lang.. jusko! English nga lang hirap na hirap na ko.. haha.. it’s really hard for me to express myself in English nyahaha.. feeling lang ako nuh.. haha... naiingit niya ako sa mga magagaling mag English ehh.. ewan ko ba?? Mga kasing edad ko naman sila, pero bakit ganun?? Ako hirap na hirap sila easy easy lang.. naman! Pero naisip ko din na kapag magaling ako mag English, aba eh halos perpekto na ko!! Haha (yabang) joke lang.. hehe.. weakness ko talaga yang English but im trying my best na gumaling ako mag english.. so ayan! English nga lang hirap na ko, Spanish pa kaya?? Hanggang panagarap ko na lang yun.. haha
Okay nawawala na sa topic…
Ayun..
.. eto ahh.. siguro, sa tingin ko lang, lahat naman ata ng teacher magaling. Hindi lang natin minsan maapreciate yung galing nila dahil siguro wala tayong interes sa tinuturo nila o kaya ayaw natin ng pagmumuka nila.. haha… oh well. Opinion ko lang naman yan kung bakit hindi lahat ng teacher magaling.. ayun! Cge bahala ka sa buhay mo! Paniwalaan mo kung anung gusto
M